Ako si Juan!Ako si Juan!
Tungkol

Ako si Juan!

Isang Pinoy na mahilig sa trivia. Araw-araw, may isang fact ako tungkol sa Pilipinas para sa'yo.


Bakit "Juan"?

Galing kay Juan dela Cruz, ang karaniwang Pilipino. At oo, pun din: "Juan" = "one". Isang fact, isang araw. Kaya may malaking 1 sa damit ko.

Ang misyon

Para mas makilala natin ang sariling bayan, isang fact sa isang araw. Maikli, malinaw, at totoo.

Paano namin chine-check ang facts

  • Bawat fact, sinusuri sa hindi bababa sa dalawang mapagkakatiwalaang source: government sites, encyclopedia at balita.
  • Nakalista ang sources sa bawat fact page, sa ilalim ng "Saan galing ang fact na 'to?"
  • Kapag kuwento lang o hindi sigurado, sinasabi namin. Halimbawa: "ayon sa kwento".
  • May mali? Sabihan mo kami. Itatama namin at ilalagay ang petsa ng correction.

Paano ka makakasali

  • May gusto kang malaman tungkol sa Pilipinas? Mag-suggest ng topic, baka ikaw ang susunod na fact ni Juan.
  • Subukan ang quiz at i-share ang score mo sa barkada.
  • I-follow si Juan sa Facebook para may bagong fact ka tuwing gabi.

Kontak

Pinakamabilis: i-message si Juan sa Messenger.

Tungkol kay Juan | Juan Fact a Day